Abante Tonite Interactive

5 suspek sa Jolo blast kinasuhan na

187

Sinampahan na ng Sulu Provincial Prosecutors Office ng kasong complex crime of multiple murder with multiple rustrated murder ang limang suspek na itinurong sangkot sa kambal na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu sa regional trial court (RTC).

Kinasuhan sina Mukammar L. Pay alyas Kammah, Albaji K. Gadjali alyas Apah, Radjan B. Gadjaliq, Kaiser Gadjali at Said Alih sa Jolo RTC.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesman Mark Perete, una nang sinampahan ng kaso ng Sulu Police ang mga suspek.

Ang naganap na dalawang magkasunod na pagsabog ay nagresulta ng pagkasawi ng may 23 katao at pagkasugat ng mahigit 60 katao.