Abante Tonite Interactive

5 suspek sa pinatay na Makati HS student arestado

By
1,723

Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang mga suspek sa pagpatay sa isang high school student sa Makati City bandang alas-4:40 ng hapon noong Pebrero 9.

Mismong si Makati Mayor Abby Binay ang nagkumpirma sa pagkaka-aresto sa limang suspek sa pagpatay sa 18-anyos na estudyante ng San Antonio National High School nitong Biyernes.

Nadakip ang mga suspek matapos atasan ni Binay si Makati Police chief Supt. Gerardo Umayao na tugisin ang mga may kinalaman sa pagkamatay ng biktimang si John Ernest Rivera y Canseco, residente ng Brgy. La Paz sa nasabing lungsod.

Abante Hiring – IT dep

Nauna nang nanawagan si Mayor Abby sa mga magulang, mga guro at opisyal ng paaralan gayundin ng barangay na makipagtulungan sa pamahalaang lungsod at pulisya upang maiwasang maulit ang insidente ng karahasan sa hanay ng mga kabataan.

Aniya, labis niyang ikinababahala ang pagkakasangkot ng kabataan sa Makati sa mga fraternity o gang na maaaring mauwi sa krimeng tulad ng nangyari nitong Biyernes.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang alkalde sa pamilya ng biktima, at nangakong tututukan niya ang kaso hanggang malutas ito at mapanagot ang mga may kagagawan ng krimen.