Abante Tonite Interactive

5 team idineploy sa Marawi

123

Nag-deploy ng limang team ng Post Conflict Needs Assessment (PCNA) ang Task Force Bangon Marawi sa 24 na Barangay sa Marawi City kahapon upang mangasiwa sa mga pinsalang hatid ng giyera.

Ayon kay Deputy Administrator, Office of Civil Defense Spokesperson, Task Force Bangon Marawi Asec. Kristoffer James Purisima, ang bawat team ay binubuo ng mga representative ng national at local government agencies.

Binubuo aniya ang limang teams ng 145 na miyembro mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tutukoy sa mga naging pinsala ng ilang buwang kaguluhan sa Marawi City.

Bago i-deploy sa Marawi City ay isinailalim muna sa security briefings at re-orientations ang grupo para sa PCNA.

Target ng grupo na matapos ang data analysis, consolidation, at report development sa October 27, 2017.