Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 tinedyer ni-rescue sa cybersex

0 201

Sinagip ng PNP Women’s and Children Protection Center ang limang tinedyer at dinakip ang dalawang suspek sa magkahiwalay na mga operasyon kontra online sexual exploitation sa Mandaluyong at Taguig noong Mayo 24 at 26.

Kabilang sa mga biktima ang apat na menor de edad.

Nag-ugat ang unang operasyon sa reklamong inihain sa isang lokal na pulisya at ni-refer sa Anti-Trafficking in Person division.

Naaresto ang isang 27-anyos na lalaking suspek at nailigtas ang tatlong biktima: babaeng 16-anyos at mga lalaking edad 15 at 16.

Nabatid na ang mga biktima ay malalapit na kakilala ng suspek.

Ilan sa mga nakalap na ebidensiya ang sex paraphernalia, mga smartphone at iba pang gadget.

Samantala, ang pangalawang operasyon ay ni-refer ng Australian Federal Police (AFP).

Isinagawa ng WCPC, AFP, United Kingdom National Crime Agency, at International Justice Mission ang entrapment operasyon sa Bonifacio Global City nang may koordinasyon sa Taguig City Police Station.

Pinosasan ang isang 23-anyos na lalaking suspek at nasagip ang dalawang lalaking edad 17 at 19 na hindi magkakilala.

Narekober ang marked money, digital gadget para sa mga transaksiyon at isang resibo ng money remittance.

Ang dalawang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Anti-Child Pornography Act, at Cybercrime Prevention Act.

Samantala, ang mga biktima ay sasailalim sa mga psychosocial intervention.

Leave A Reply

Your email address will not be published.