Abante Tonite Interactive

5 tulak bulagta sa Laguna drug raid

By
419

Limang hinihinalang tulak ng droga ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa dalawang buy-bust operation sa Biñan City at Sta. Rosa City, Laguna.

Ayon kay Senior Superintendent Kirby John Kraft, director ng Philippine National Police (PNP) Laguna, unang isinagawa ng mga tauhan ng Biñan City at San Pedro PNP ang operasyon laban kay Isagani Timajo, alyas ‘Amang’ na umano ay isang notorious pusher at miyembro ng Rojo Criminal Gang sa Sitio Almazora, Brgy. Canlalay, dakong alas-11:00 nang gabi kamakalawa.

Subalit matapos ang transaksiyon, nagduda ito na pulis ang buyer kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis subalit nagmintis.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga back-up na pulis at suspek kasama ang dalawa pang suspek na sina alyas ‘Pepong’ at ‘Imay Bote’.

Nagresulta ito sa agarang pagkamatay ng tatlo. Wala namang nasugatan sa panig ng mga awtoridad.