Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 tulak timbog sa P8M marijuana

0 170

Narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 68 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng ng P8.1 milyon, habang kalaboso ang limang tulak nito sa Barangay Look 1st, Malolos City, Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina John Patrick Milan, 26; Kevin Paul Jose, 27; Mispah Jamsen, 28; Jayson Justiniano; 30; at Enrick Justin, 29.

SM food to go Banner Ad

Nakabili umano ng P1,000 halaga ng marijuana ang undercover policeman sa mga suspek kaya agad silang inaresto. Nadiskubre sa sasakyan ng mga ito ang iba pang damo na may kabuohang halaga na P8,160,000.

Galing umano sa Baguio City ang marijuana ng mga suspek, na mahaharap sa kaukulang kaso. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.