Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 wanted laglag sa Cavite

0 327

Nadakip ng pulisya ang limang most wanted sa isinagawang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite kamakalawa.

Kasama sa dinampot ang top 1 wanted na si Edgar Gonzaga, 50, ng Brgy. San Agustin 3 Dasmariñas City, dahil sa 13 count ng kasong rape. Kulong din si Mark Cloyd Oligrio, 31, ng Brgy. Lalaan 2nd Silang, dahil sa kasong murder.

Nasa top 4 si Michael Francis Francisco, 29, ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza dahil din sa kasong murder. Hindi rin nakaporma si Francis Javier y Austria, 22, isang service crew ng Brgy. Salitran 2, Dasmariñas City dahil din sa kasong rape.

Tiklo rin ang top 6 wanted si Jonh Albert Canete, 30, ng Brgy. 41 San Antonio Cavite City, dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.