Abante Tonite
Mabilis sa Balita

50 baboy kinatay kontra ASF sa North Cotabato

0 179

Sabay-sabay na kinatay ang nasa 50 baboy matapos magpositbo sa African swine fever (ASF) ang mga meat sample na dinala sa Bureau of Animal Industry (BAI) sa General Santos City.

Ayon kay Brgy. Malungon chairman Renante Baclay, hindi pumasa ang mga meat sample ng mga baboy maging ang safety protocol sa mga kulungan ay nilabag ng pitong mga hog raiser o magbababoy.

SM food to go Banner Ad

Mula sa 7 backyard raiser ang mga kinatay na baboy na nasa loob ng 50-meter radius. Siniguro naman ng Office of the Provincial Veterinarian na makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga apektadong hog raiser mula sa Department of Agriculture.

Kasabay nito, agad na nilinis ang mga bakuran upang hindi makahawa sa iba pang magbababoy sa kalapit na lugar at makatatangap ng cash assistance ang mga swine raisers mula sa Department of Agriculture (DA-12). (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.