Abante Tonite Interactive

50 bahay nasunog sa QC

341

By Dolly ­Cabreza

Umaabot sa 100 pamil­ya ang nagpenitensiya sa mainit na lansa­ngan makaraang lamunin ng apoy ang kanilang mga tahanan sa sunog na naganap sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City Sabado nang umaga.

Base sa inisyal na report kay Quezon City Fire Marshal Col. Jaime Ramirez, dakong alas-singko ng umaga nang sumiklab ang apoy mula sa tahanan ng isang Donna Serenado sa Tabing Ilog St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson.
Mabilis na kumalat ang apoy sa 50 pang kabahayan na tinitirhan ng 100 pamilya.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Fire Chief Ins­pector Shyrwin Penafiel, arson investigator, umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at tuluyang naapula ng mga rumespondeng bumbero at mga fire vo­lunteer dakong alas-6:30 nang umaga.

Wala namang iniulat na nasugatan sa sunog na tinatayang aabot sa P300,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.