Abante Tonite
Mabilis sa Balita

50% bawas sa oil excise tax at elektrisidad ipapatupad ni Isko

0 127

Ipatutupad ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 50% bawas sa excise tax ng langis at koryente para sa mga ordinaryong mamamayan partikular na sa mga magsasaka,mangingisda at sa mga public utilities at operators ng jeepney kung sakaling palarin siya sa 2022 Presidential elections.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno matapos ang imbitasyon sa mga miyembro ng iba’t ibang farmers association at fishermen association sa cover court ng Brgy.Banaba,Tarlac City,kahapon ng alas 10 ng umaga.

“Simple lang yan ,logic lang,para lahat ay makinabang,sino ba ang makikinabang,ang mga tao,kesa mapunta sa mga magnanakaw sa gobyerno, sa tao na lang mapunta,”ayon kay Moreno.

Ayon kay Moreno sa pamamagitan nito ay gagaan ang pamumuhay ng mga tao,lalaki ang pera sa bulsa , magkakaroon ng panggastos ang mga tao at babalik rin sa gobyerno ang pera.

Giit pa ni Moreno para mapagaan ang epekto ng pandemya dapat na bawasan ng 50% ang excise tax ng langis at elektrisidad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ay kaagad na mararamdaman ng mga drivers at operators at hindi na nila kailangan na humingi pa ng pagtaas ng pasahe na malaking pasanin partikular na sa mahihirap at middle class.

Tinawag ito ni Moreno na isang pagpaparaya ng gobyerno at walang gastos ang gobyerno.

“We cannot bring down the cost of power generation but the end-users or the consumers, can be made to pay lower electricity bills. How? Bawasan natin ang buwis sa kuryente ng 50 porsyento. Mababawasan ang kita ng gobyerno pero ang tao ang panalo dahil sa malaking pera na kanilang matitipid,” ani Moreno.

Sa kabila na nalugi ang gobyerno sa buwis, lumakas naman ang buying power ng mamamayan at bumalik ito sa ekonomiya natin para lalung lumakas.

Pinakahuling pagtaas ng langis ay naganap nitong Oktubre 19 kung saan tumaas ng P1.80 kada litro ng gasolina, P1.50 kada litro ng diesel,P1.30 kada litro ng kerosene dahilan para umabot ang presyo ng diesel sa P50.17 at P70.44 ang unleaded gasoline.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.