Abante Tonite Interactive

50 entries sa ‘Ace & Danny B 4-Cock Derby’ — Lamboloto

279

Balik ang summer cockfighting sa Mayo 17 sa Pasay City Cockpit para sa “Ace and Danny B 4-Cock Derby” na may 40-50 entries para sa 80-100 mga siyapulan.

Ang PCC derby matchmaker, World Pitmasters Cup veteran at National Cockers Alliance member na si Goddy Ace Lamboloto ang host ng sabong na ito, kasama ang Danny B group at may entry fee na P11,000.

Aayuda naman ang Sagupaan Superfeeds at ang Complexor 3000 sa kasunod okasyong kabuntot ng “Jerald and Erica 4-Cock Derby” nitong Biyernes na pinamayagpagan nina Nestor Vendivil (Sir Albert), Doc Boy Tuazon (Chicka Babe) at Jimmy Junsay (Sto. Nino Jared). Sumegunda si Gerry Escalona ng Team Sagupaan (Mahuli Ace).

Abante Hiring – IT dep

Pila rin sa PCC ang “Haponesa Big Event 4-Cock Derby” sa May 24 bago ang dalawang linggong pahinga para bigyang-daan ang “2019 World Slasher Cup 2” sa May 27-June 2 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Gayundin ang tinatayang may 1,500 entries na Luzon Breeders Cup (LBC) 9 -Stag Derby sa July 12, 19, 22 at 26 (set A) ng Luzon Gamecock Breeders Association sa pangunguna ni pangulong Nick Crisostomo.

Sa iba pang mga detalye, makipag-ugnayan lang kina Erica at Ace sa 0945 -4917474, 0939-4724206, 843 -1746 at 816-6750. (Enjel Manato)