Abante Tonite Interactive

50 GOLD MEDALS TARGET NG TEAM PHL

Cynthia Carrion-Norton
8

Tumapos ng nakaka­dismayang seventh sa Myan­mar edition ng Southeast Asian Games noong 2013 ang Team Pilipinas, umangat ng isang baitang sa Singapore noong 2015.

Ngayong 2017, malaki ang inaasahan sa king-sized delegation na ipinadala sa 29th edition ng biennial meet sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Niluwagan ng Philippine Sports Commission ang sinturon, gumastos ng P87 million para sa Fili­pino athletes at binigay ang lahat ng suportang kailangan ng mga ito.

Nagbitaw noon ng ­salita si Chief of Mission Cynthia Carrion na kaya ng Pilipinas na humamig ng 50 gold medals sa Kuala Lumpur, halos doble ng 29 na nakuha sa mga naunang SEA Games.

Pero nang­ makausap­ ang top Philippine Olympic Committee officials, national­ sports association (NSA) leaders at ilang national coaches, sinabi ni Carrion na pinangakuan siyang­ bibigyan ng 63 gold medals.­

Ambisyosong prediksiyon, na kapag nai-deliver­ ay nangangahulugang lala­ban ang Team PHL sa fourth place ng 11-nation meet.

“My personal goal is at least 50 gold medals,” ani Carrion, ­presidente ng gymnastics at miyembro ng POC board. “But after­ conferring with NSA leaders and coaches, they promised to deliver at least 63 gold medals. We’re ready for the battle. Everybody is upbeat and ready to compete.”

Bulto ng medal haul ay inaasahang mangga­galing sa traditional goldmines ng Pilipinas na athletics, boxing, triathlon, taekwondo, judo at billiards at team sports basketball at rugby sevens.