Abante Tonite
Mabilis sa Balita

50 gramo ng shabu buking sa Pasig tulak

0 227

Kulungan ang bagsak ng isang 31-anyos na tulak na kabilang umano sa listahan ng drug watch list ng Eastern Police District (EPD) matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation, kahapon ng hatinggabi sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na si Noel Brazil, residente ng nasabing lungsod.

Inaresto si Brazil bandang alas-12:00 Huwebes ng hatinggabi sa Rosario Village, Barangay Santa Lucia nang isagawa ng mga tauhan ng DDEU, DID, DSOU-EPD, 7th MFC, RMFB, NCRPO, HPU Eastern District at Sub-station 7 ng Pasig CPS ang buy-bust makaraang makipagtransaksiyon sa suspek para sa pagbili ng shabu.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P340,000, at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong si Brazil sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.