Abante Tonite Interactive

50 nalibing sa minahan ng Benguet Corp, hinuhukay

By
724

Tinatayang nasa 40 hanggang 50 katao ang pinaghahanap pa rin sa kasalukuyang matapos matabunan ang pinagtaguang bunkhouse sa kasagsagan ng bagyong Ompong kahapon sa Itogon, Benguet.

Ito ang ibinalita ni Itogon Mayor Victorio Palangdan sa isang panayam sa radio kahapon kung saan may mga higit pang 40 katao ang natabunan ng lupa sa dating bunkhouse ng Benguet Corp. na ngayon ay kapilya na.

Una nang naibalita na may 32 katao ang natabunan nang buhay habang nasa 29 katao pa ang nawawala sa kasagsagan ng pag-uulan sa Itogon, Benguet.

Narito ang pangalan ng mga kumpirmadong nasawi sa pagguho ng lupa sa Brgy. Ucab, Itogon, Benguet:

1. Hyancinth Gabino, 15 (Dampingan, Loacan) 2. Mary Rose Elong (Manganese, Ampucao) 3. Billy Boy Elong (Manganese, Ampucao) 4. Fred Bestoca (Goldcreek, Ucab) 5. JunJun Bulcio,28 (Anteg-in, Loacan) 6. Willy Sinoden (Malasin, Ucab) 7. Jerry Cuti, 36 (Poblacion) 8. Hope Cielo Cariño, 6 (Poblacion) 9. Jemifer Carino (Poblacion) 10. Rufino Aquino (Malasin, Ucab) 11. Maligid Kalahe (FirstGate, Ucab) 12.
Edward Bitowan (First Gate, Ucab) 13. Jojo Cacanindin (First Gate, Ucab) 14. Andrew Tagapang (Minerside, Ucab) 15. Arnold Guinsoy, 53 (Dampingan, Loacan) 16. Marlon Bautistas (Dampingan, Loacan) 17. Michael Milo, 37 (Dampingan, Loacan) 18. Jerry Javier, 23 (Dampingan, Loacan) 19. Hector Milo (Dampingan, Loacan) 20. Antohony Siblag, 21 (Dam­pingan, Loacan) 21. Marcelino Puyocan (Dampingan, Loacan) 22. Jason Jacinto Angdasna, 34 (Dampingan, Loacan) 23. Simona Merafo Tagapang (Dampangan, Loacan) 24. Abias Longchasen (Dampingan, Loacan) 25. Daniel Fangroy, 43 (Camp 5, Virac) 26. Jeremy Gracias at 27. Rommel Bangan habang lima pang biktima ang hindi pa nakikilala.
“May isang bunkhouse ng isang kompanya na may tinata­yang 40-50 people trapped. Pero natabunan na ng lupa, ‘yun ang inaalala namin baka patay lahat ng mga ‘yun,” ayon sa alkalde.

Nabatid na ang old Benguet Corporation bunkhouse ay pinahihintulutang magamit para sa small-scale miners sa kabila ng panganib.
Nabatid na araw pa lang ng Miyerkoles ay iniutos na ni Ma­yor Palangdan ang pagpapatigil ng operasyon ng minahan habang nananalasa ang bagyong Ompong.

Nagbabala pa ito na aarestuhin ang hindi susunod.

Sinabi niya na pangunahing babantayan ang Barangay Ucab at Barangay Ampucao na madalas nakakaranas ng pangguho ng lupa.

Habang sinusulat ang balitang ito, umalis na sa lugar ang mga residente na nauna nang tumanggi sa preemptive evacuation na inutos ng municipal go­vernment.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng search and rescue ang Itogon para sa pagsagip ng mga taong na-trap sa loob ng bunkhouse.