Abante Tonite Interactive

‘50’ ni Pringle, GlobalPort binara ang Columbian binalibag!

By
2,199

Laro ngayon
(Calasiao, Pangasinan)
5:00 pm – NLEX vs San Miguel

Stanley Pringle all-the-way ang first game ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Nagpaulan si Pringle ng 50 points para akayin ang GlobalPort sa 133-115 panalo kontra Columbian Dyip.

“Tonight is Stanley’s show. It’s all about Stanley,” bungad ni Batang Pier coach Pido Jarencio sa postgame news conference.

Personal at season-high na ang nilista ng Batang Pier guard, u­nang local na naka-50 sa nakalipas na 14 na taon matapos ang 51 ni Asi Taulava nang pangunahan ang TNT sa 131-105 win sa Purefoods noong May 16, 2004 Fiesta Conference. Naglalaro pa si Taulava, 45, sa NLEX ngayon.

Hinati ni Pringle ang dambuhalang puntos sa tig-25 sa magkabilang half, may 37 na pagkatapos ng third quarter. Kinolekta niya ang pang-50 sa 54-second mark ng laro. Si Pringle pa ang naka-steal mula kay Rashawn McCarthy bago ibinaon ang huli niyang dalawang puntos sa exclamation point na one-handed slam para sa 131-112 lead.

Mula sa field ay 18 for 30 ang 2014 top pick overall na si Pringle, 9 of 16 sa 3-pointers. Mayroon pa siyang 6 assists at 5 rebounds sa loob ng 41 minutes.

“Honestly I was just trying to make my 3-point shots, all confe­rence my 3-point shot has been kinda off. I finally made that shot,” ani Pringle, sa unang siyam na laro sa confe­rence ay 24 for 77 (31%) lang sa rainbow country.

“Parang ako lang nung college,” biro ni Jarencio na binansagang Spitfire Pido nung nag­lalaro pa sa UST.

Angat sa 5-5 ang Batang Pier, sumampa bigla sa No. 5 at may isang laro pa kontra Ginebra sa July 6. Nalaglag sa 4-7 ang Dyip, tengga sa No. 9.