Abante Tonite
Mabilis sa Balita

50 pasaway sa face mask dinakma

0 214

Nagsagawa ng operasyon ang District Public Order and Safety (DPOS) at Task Force Disiplina sa Quezon City at pinaghuhuli ang may 50 residente na naaktuhang walang suot at mali ang pagsuot ng face mask.

Ang operasyon ay ginawa ng lokal na pamahalaan bilang tugon sa kaukulang direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte.

Nitong Biyernes ng umaga ay unang pinuntahan ng mga awtoridad ang NIA road, at inikutan ang Cambridge, Mega Q-Mart at Arayat Market sa Cubao.

Hindi na nagbigay ng warning at agad tiniketan ang nasa 50 residente. Sinubukan pang magdahilan ng ilang violator pero hindi sila pinagbigyan ng mga pulis.

Ilan sa mga naging rason ng violator ay nakalimutan kaya walang face mask, kakakain lamang, maninigarilyo, at umiinom ng soft drink. Tig-P300 ang multa ng mga lumabag.

Apela naman ni Nilo Baguio, OIC Enforcement Officer ng DPOS, makinig sa panawagan ng gobyerno at sumunod sa mga health protocol para mapigilan ang paglala ng pandemyang COVID-19.

Tiniyak naman ng DPOS na tuloy-tuloy sila sa pagsasagawa ng ganitong operasyon.

Matatandaang inatasan ni Duterte ang mga pulis na ikulong at imbestigahan ang mga taong hindi nagsusuot o hindi maayos ang pagkakasuot ng face mask sa mga pampublikong lugar. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.