Abante Tonite Interactive

50 Pinoy sa Wuhan gusto nang umuwi

354

Gusto na umanong umuwi sa Pilipinas ang 50 Pi­lipino na nasa Wuhan, China ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Aniya, agad na siyang nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs at Department of Health kaugnay ng nasabing impormasyon.

“Gusto nilang umuwi at handa naman po ang ating gobyerno na magdala ng eroplano kung saka-sakali sunduin sila doon sa China. Ang problema po kung papa­yag ang China,” sabi ni Go sa isang interview.

Hindi pa matukoy kung manggagawa o mga turista ang nasabing Pinoy sa Wuhan.
Gayunman, sinabi ni Go na hindi agad mapapauwi ang nasabing mga Pinoy dahil kailangan pang masusing i-monitor at bantayan dahil ang Wuhan ang episentro ng coronavirus na kumitil sa buhay ng mahigit 80 katao sa kasalukuyan. (Dolly Cabreza/Dindo Matining)