Abante Tonite Interactive

50 pts ni Brownlee dumiskaril sa Dyip

266

By Lito Oredo

Lumagok ng bagong career-high 50 points kalakip ang 14 rebounds, 5 assists, tig-5 ding steals at blocks si Justin Brownlee nang bidahan ang Ginebra sa pagpapatigil sa Columbian sa overtime, 127-123, sa homestretch ng PBA Commissioner’s Cup eliminations Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Isinalpak muna ni Stanley Pringle ang isang floater sa natitirang 5.9 segundo ng regulation upang itulak ang Gin Kings sa 113-all deadlock at 5-minute extra period.

Umalalay kay Brownlee si Japeth Aguilar ng 20 markers at 8 boards para sa third straight win at 7-4 record ng crowd darlings na inakbayan sa third spot ang Blackwater, 112-104 winner sa Alaska.

Gaya ng NLEX na may 3-8 din, out na sa quarterfinals ang Dyip, na nasayang ang 45 pts. at 18 rebs. ni Lester Prosper na ‘di nasustena ang huling pagsilat sa Phoenix Pulse.

Samantala, kinaila­ngan namang itakbo sa ospital si Russel Escoto nang magtamo ng injury sa kaliwang balikat sa natitirang 5.3 segundo ng third quarter.