Abante Tonite Interactive

50 sultador rampa sa Aguilar derby

0 190

Ikalawang round na ngayon ng “30th Anniversary 5-Stag Derby” ng Las Piñas Coliseum tampok ang 50 bagong sultador.

Nakalinya ang 2-stag elims at isang puntos ang kailangan upang makapasok sa 3-stag finals sa Linggo, Sept. 15 kung saan puwede ang straight five stags.

Paderbi ni Mayor Nene Aguilar ang tatlong araw na okasyon na sinimulan nitong Lunes at pitong kalahok ang mga nagposte ng barahang 2-0 (panalo-talo).

Sila ay sina Onie Tan ng Magninong, Fiel Ansane ng 1925 Fas, Dennis Aguilar ng D and D, Levis Himpiasao ng San Miguel, Alex Tobias ng Las Piñas 4-Stag Oct. 16, Larry Alvarado ng Larry Bird at R. Capton ng Capton.

Marami ang magpapasok ng straight five stags sa grand finals kaya nasisiguro ang 90 hanggang 100 mga sultada.

“Only locally-banded stags of International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) and Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB, Inc.-Digmaan) will be accepted,” ani Mayor Aguilar. (Enjel Manato)