Abante Tonite
Mabilis sa Balita

50 taong ayuda sa kuryente pirmado ni Digong

0 386

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11522 na pinalawig pa sa loob ng 50 taon ang pagbibigay ng electricity lifeline rate para sa mga mahihirap.

Inamyendahan ng batas ang Section 73 ng Electricity Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA Law.

Noong 2011 pinalawig ng 10 taon ang lifeline rate para sa mga mahihirap o hanggang ngayong 2021.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Taong 2011, pinalawig ng sampung taon ang lifeline rate para sa mahihirap Ang mga lifeline rate beneficiary ay iyong kumokonsumo lamang kada buwan ng 100-kilowatt hours pababa.

Sa ilalim ng batas, kuwalipikado sa kuryente subsidy ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at iba pa na puwedeng mabigyan sa validation ng distribution utility base sa criteria ng Energy Regulatory Commission. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.