Abante Tonite Interactive

50 tigok sa nilaklak na pekeng alak sa Indonesia

By
2,268

Sa paghahangad na makatipid sa gastos, kamatayan sa pagbili ng pekeng alak na may malakas na tama ang sinapit ng 50 manginginom sa Indonesia.

Isa-isang nagtumbahan ang mga nakainom ng pekeng alak sa wes­tern Indonesia, kabilang na sa Jakarta, mula noong nakaraang linggo hanggang kahapon.

Mula noong Huwebes hanggang nitong Lunes, 20 ang namatay sa Cicalengka subdistrict malapit sa Bandung, capital ng West Java.

Ayon kay Yani Sumpena, head ng state-run hospital sa Cicalengka, 19 katao ang namatay sa hospital habang isa naman ang dead-on-arrival. Tinatayang 40 katao naman ang ginagamot dahil sa naranasang pagsusuka, nausea, kakapusan ng hininga at mga nawalan ng malay.

Dahil sa laki ng buwis na ipinapataw ng gobyerno sa alcohol, naeengganyo ang mga manginginom sa Indonesia na bumili sa black market kung saan mura ang alak subalit peligroso dahil sa mga nakalalasong sangkap ng pinekeng brand.