Abante Tonite
Mabilis sa Balita

500 Airline empleyado na-scam ng P200M

0 460

Ni Nancy Carvajal

Aabot sa P200 milyong halaga ng pinaghirapang pera ang nawala sa nasa 500 empleyado ng isang airline company nang mabiktima ng grupo ng scammer na pinamumunuan ng isang negosyante na sangkot din umano sa mga kaso ng estafa, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Special Investigator Salvador Arteche, ng NBI-Special Action Unit na naghain ng reklamo ang mga biktima at kinilala ang pinuno ng grupo na si Lolita Capistrano Cantuba na inaresto sa kanyang bahay sa Las Piñas City.

Ayon pa kay Arteche, base sa mga NBI record, lumalabas na dati nang na-convict si Cantuba dahil sa paglabag sa bouncing check law ngunit nakalaya na.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa panayam sa mga biktima, sinabi ng mga ito na ginamit nila ang kanilang lifetime savings sa investment upang makatulong habang hinihintay nilang magbalik sa normal ang kanilang mga flight at sweldo.

Hiniling din ng mga manggagawa na hindi na banggitin ang pangalan ng kompanya na kanilang pinagtatrabahuan upang maiwan ang posibleng problema.

“We were lured to invest because of the sudden drop of our income and we thought we can use the interest to tide us over until things go back to normal,” pahayag ng isang biktima sa Bilyonaryo, na tumangging ilantad ang pangalan.

Ayon pa sa kanilang spokesperson, mayroon siya at kanyang mga kasamahan sa airline, ng minimum investment na P4 milyon.

“Mostly P4 million investment, while a senior employee invested P40 million with a promise of at least 30 percent interest a month. Most of us invested our hard earned money because most of our colleagues have invested,” dagdag nito. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.