Abante Tonite
Mabilis sa Balita

500 biyahero stranded sa mga pier

0 103

Mahigit sa 500 biyahero at daan-daang cargo ang na-istranded sa iba’t ibang pantalan kahapon sa Southern Tagalog, Bicol at Eastern Visayas dahil sa hagupit ng bagyong Quinta.

Sa advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-12:00 ng tanghali, may 577 mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang nananatili sa 26 pantalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naantala rin ang biyahe ng 473 rolling cargos, 21 barko at 10 motorbancas.

Gayundin, may 121 sasakyang pandagat at 51 motorbanca ang kinailangang ilikas sa pagkaka-angkla.

Nalaman na 24/7 ang monitoring isinasagawa ng PCG Command Center. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.