Abante Tonite
Mabilis sa Balita

500 estudyante niregaluhan ng tablet

0 231

Humigit kumulang 500 kabataang mag-aaral ang biniyayaan ng tablet para sa kanilang online learning.

Ipinagkaloob ito para sa mahihirap na kabataang estudyante nina Council for the Welfare of Children (CWC) Undersec. Mitch Cajayon Uy, Sen. Bong Go sa Caloocan at ilang institusyon sa Quezon City.

Kasabay nito, nagsagawa din ng Online Webinar ang CWC na may temang “Edukasyon Tugon sa Depresyon” na tumalakay sa kahalagahan ng edukasyon at pangangalaga sa mental health ng mga kabataan sa panahon ng Covid 19 pandemic.

Sinabi ni Usec. Uy na bukod sa pamamahagi ng tablets ay tuturuan din ang kabataang mapalakas ang kanilang life skills upang maging matatag sa paglaban sa hamon ng pandemic at harapin ang new normal.

SM food to go Banner Ad

Sa pakikiisa sa Webinar, hinikayat ng senador ang mga kabataan na gawin ng mga ito ang lahat para mapasaya ang mga magulang at sikaping magtapos ng pag aaral para maiangat ang pamumuhay.

Nanawagan din ang senador ng patuloy na pakikipagtulungan sa pagpapahusay ng mga programa ng pamahalaan sa mamamayan para matiyak ang tagumpay nito.

Partikular na hiningi ni Go ang pagsuporta sa kanyang isinusulong na pag-amyenda sa RA 11036 o ang National Mental Health Law na layunin mas palakasin at bigyan ng prayoridad ang pondong dapat nakalaan sa pagkakaroon ng basic mental health services sa buong bansa.

Nagpaabot naman ng matinding pasasalamat ang mga magulang ng mga benepisyaryo ng tablets dahil maayos nang makapag-aaral ang mga anak ngayong panahon ng pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.