Abante Tonite
Mabilis sa Balita

500 gramo ng shabu nasabat sa Grab driver, delivery boy

0 73

Umaabot sa 500 gramo o nasa P3,400,000.00 halaga ng shabu ang nasabat sa isang Grab driver at delivery boy sa ikinasang buy-bust operation sa IBP Road, Quezon City, Sabado ng tanghali.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Quezon City Police District (QCPD), nakilala ang suspek na sina Dionesio Infante y Garcia, 23-anyos, Grab driver, at Arnel Corre y Baturiano, 24, delivery boy, kapwa taga-Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Inaresto ang mga suspek sa harap ng Quezon City Polytechnic University, IBP Road ala-1:00 Sabado ng tanghali sa buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Bulacan, RO NCR IA5 Enrique Lucero at PS-6 Batasan police station drug enforcement unit (SDEU) sa pangunguna ni PLtCol. Romulus Gadaoni.

Nakumpiska sa dalawa ang 2 transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo at agad na dinala sa PDEA laboratory, genuine P1000.00, P700,000 boodle money, isang Suzuki smash motorcycle, V9 Vivo cellphone at sling bag matapos ang bentahan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.