Abante Tonite
Mabilis sa Balita

500 kabahayan sa Bacoor naabo

0 163

Umabot sa 500 kabahayan ang nilamon ng apoy sa pagitan ng Brgy. Sinenguelasan at Alam sa Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay na itinaas sa ika-tatlong alarma.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng sunog at kung magkano ang pinsala na dulot nito.

SM food to go Banner Ad

Pinagsususpetsahan naman ng mga mangingisda na sinadya ang sunog.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas, hindi na bumebenta sa kanila pag sinasabing aksidente ang sunog dahil ito ang pinakamadaling paraan para i-demolish ang isang buong komunidad upang magbigay daan sa isang proyekto.

Sabi ni Pamalakaya Southern Tagalog spokesperson Ronnel Arambulo, hindi ito ang unang beses na nagkasunog sa lugar.

Nung Abril 2017, nagkasunog na sa Barangay Malicsi III at 476 na pamilya ang apektado. Muling nagkasunog nung January 24, 2018 sa Barangay Tabing Dagat at ilang ulit pang nagkasunog sa Barangay Malicsi I at Malicsi III nung June 20, 2018 at may isa pang sunog na naganap sa Barangay Talaba II nung nakaraang taon kung saan 200 pamilya naman ang nasunugan. (Gene Adsuara/Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.