Abante Tonite Interactive

500 Pinoy nurse wanted sa Germany

By
1,867

Nangangailangan ng may 500 Filipino nurse ang Germany ngayong taon.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ito ay para mapunan ang pangangailangan ng kanilang industriya sa kalusugan na nagkukulang na sa mga manggagawa.

Ang mga interesadong nurse ay maa­aring mag-apply sa POEA website o sa pamamagitan ng mga accredited na pribadong recruitment agency.

Nabatid na ang mga assistant nurse na hindi pa nakakapasa sa Germany Licensure Exami­nation, ay tatanggap ng panimulang suweldo na 1,900 euros o katumbas ng P118,266 habang ang mga nakapasa ay may panimulang suweldo na 2,300 euros o katumbas ng P143,165.

Kinakailangan umano na pumasa sa German language proficiency test bago ma­ging registered nurse sa Germany.
Pinaalalahanan ni POEA Administrator Bernard Olalia na alamin kung accredited ng POEA ang recruitment agency bago mag-apply para maiwasang mabiktima ng illegal recruiter.