Abante Tonite
Mabilis sa Balita

500 taga-QC inayudahan ng Ivermectin

0 180

Nasa 500 residente sa Quezon City ang tumanggap ng tig-10 tableta ng gamot na Ivermectin na pinaniniwalaang panlaban sa COVID-19 sa Old Balara Covered Court sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Ang nasabing gamot ay libreng ipinamahagi nina Anak Kalusugan Party List Cong. Mike Defensor, Deputy Speaker at SAGIP Party List Cong. Rodante Marcoleta at ilang mga doktor.

Ayon kay Dr. Benigno Agbayani ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines, inireseta nila ang Ivermectin dahil napatunayan na sa maraming pag-aaral sa ibang bansa na mabisa ito panlaban sa virus.

Hindi rin umano garantiya na nakagagaling ang lahat ng gamot na inaprubahan ng Food and Drugs Administration (FDA).

Bukod sa mura at abot kayang presyo, mayroong sapat na suplay ng Ivermectin saan mang panig ng mundo.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Defensor sa mga kritiko ng gamot, “Ang punto ko lang dito, bakit sila nagsasabi ng kung anu-ano pa, andaming paghaharang tungkol dito eh kung safe naman. Eh kung hindi epektibo eh di napurga ka, eh kung epektibo nasagip mo yung buhay.” (Dolly Cabreza/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.