Abante Tonite Interactive

5,000 trabaho bakante sa SoKor – POEA

By
2,022

Mahigit 5,000 trabaho ang nakalaan para sa mga skilled workers na Pinoy na nais magtrabaho sa South Korea (SoKor).

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), bahagi ito ng quota na ibinibigay ng pamahalaan ng SoKor para sa mga sending countries na tulad ng Pilipinas. Kabilang sa mga trabahong nakalaan ay para sa factory na pang-electronics, textile, pagkain at kemikal, at tatanggap sila ng nasa P60,000 o $1,200 na basic pay.

Kailangan lamang magparehistro sa POEA website dahil ang mga nakarehistro lang ang bibigyan ng iskedyul para sa Korean language exam at isasailalim din sa skills test ang mga papasa sa Korean language exam at sa medical exam.

Matatandaang noong 2004 ay umabot na sa mahigit 54,000 ang na-deploy na factory workers sa SoKor.

Paalala ng POEA, lahat ng nakalaang trabaho ay government-to-government ang proseso kaya sa POEA lamang lahat dadaan ang aplikasyon at oryentasiyon at walang babayarang placement fee.