Abante Tonite Interactive

500,000 manggagawa apektado ng lockdown – Bello

491

Mahigit 500,000 manggagawa na ang apektad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ng kalihim na simula Maro 27 mayroong 9,028 mga kompanya ang nag-ulat na 317,171 ng kanilang mga manggagawa ay nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara o pagsasaayos ng flexible work ng mga negosyo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nabatid pa na batay umano sa inisyal na ulat na nakarating sa kanila, mayroon pang 117,890 manggagawa sa informal sector ang nawala din ng hanapbuhay.

Tiniyak ng kalihim na kanila nang binibilisan ang paglalabas ng tulong pinansyal para sa mga manggagawa.

Nabatid pa kay Bello na kanya na ring inatasan ang kanilang mga regional office para luwagin na ang mga kinakailangang requirement upang mailabas na ang pondo para sa mga manggagawa.

Kabilang sa mga programang inilunsad ng DOLE para sa mga manggagawa ay ang Tulong Panghanapbuhay sa Displaced/Disadvantaged Workers-Barangay Ko, Bahay Ko para sa informal sector. (Mina Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad