Abante Tonite
Mabilis sa Balita

500K bakunado target sa isang araw

0 121

Tiwala ang Malacañang na kayang maabot ng gobyerno ang kalahating milyong pagbabakuna sa isang araw kontra COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patuloy na ang pagdating ng mga COVID vaccine at magagamit na ito sa mas maraming target population ng bansa.

Nasa halos siyam na milyon na aniya ang bakunang itinurok sa mga priority group kaya kumpiyansa ang National Task Force Against COVID-19 na maabot ang target.

“As of June 22, halos siyam na milyong doses na ang na-administer sa buong bansa, kaya inaasahan na maaabot natin ang 500,000 daily vaccination rate natin sa target,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.