Abante Tonite
Mabilis sa Balita

50K contact tracers ipapakalat

0 290

Target ng Department of Interior and Local Government (DILG) na makapagsimula na ng trabaho sa Oktubre 1 ang mga bagong contact tracers na kinuha nila upang tumulong sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19.

“Ang target natin is October 1 mag-start na sila ng work nila. Tamang-tama naman na ‘yun din ‘yung period na mare-release ‘yung budget sa atin. So inuna lang talaga natin ma-fulfill ‘yung recruitment, maipasa nila ‘yung requirements then they can start working,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año, sa Laging Handa press briefing nitong Miyerkoles.

Ayon kay Año, hanggang nitong Setyembre 23, na lamang ang deadline para sa nais na mag-apply upang maging contact tracers kung saan 50,000 contact tracers ang target na ma-hire ng DILG. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.