Abante Tonite
Mabilis sa Balita

50K face mask ipamumudmod ng PNP

0 214

Binigyan ng Department of Trade and Industry ang Philippine National Police ng 50,000 face mask na maaari nitong ipamigay sa mga taong kanilang hinuli dahil walang mga suot na mask sa labas ng bahay.

Magugunitang pinag-utos ni Pangulong Duterte sa pulisya na bigyan na lamang ng washable face mask ang mga lalabag at huwag nang parusahan o saktan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagsusuot ng face mask, umaasa si DTI Secretary Ramon Lopez na makasusunod na ang mas marami sa health protocol at mababawasan ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kapag mahigpit na nasunod ang protocols, aniya, maaari na nating mabuksan ang ilang sektor ng ekonomiya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.