Abante Tonite Interactive

50th birthday, puno ng emosyon

By
Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla
8

HINDI napigilan nina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada na maluha nang inasalto si Sen. Bong sa Custodial Center ng Camp Crame.

Ang daming mga taga-Cavite ang pumunta ng Camp Crame para ­batiin si Sen. Bong sa 50th bday nito.

Kahit malakas ang ulan at bumabaha sa kanilang lugar sa ­Custodial Center, ang dami pa ring pumunta para maipadama lang nila kay Sen. Bong ang pagmamahal at gusto nilang ipaalam na hindi pa rin nila ito ­nakakalimutan.

Bukod sa close friends kagaya nina Lorna Tolentino, Phillip Salvador, ­Tirso Cruz III at ang asawang si Lyn at Ricky Davao. Dumating din sina Edu Manzano, Bayani Agbayani, Marco Sison, Mark Bautista, Mother Lily ­Monteverde at iba pa niyang producers kagaya nina Robbie Tan, William Lao, at Wilson Tieng.

Dumating din si Manila Mayor Joseph Estrada at nagbigay ng ­magandang mensahe kay Sen. Bong at kinantahan pa niya ito.

Iisa lang naman ang wish ng lahat: Sana makalabas na si Sen. Bong kasama si Sen. Jinggoy at Atty. Richard Cambe. Ginagawa na lang nilang biruan ang paglabas, kahit hindi nila alam kung paano at kung saan na ­tutungo ang kanilang kaso. Pero nagugulat ang karamihang bisita dahil parang lalo pang pumogi si Sen. Bong at kahit si Sen. Jinggoy ay lalong kuminis ang kutis.

***

Bong at Jinggoy nagyakapan!

Naging emotional si Sen. Bong nang magsalita ito para pasalamatan ang lahat ng dumalo at nakaalala sa kanyang kaarawan. Lumapit si Sen. Jinggoy na naluluha na rin at nagyakap silang dalawa.

Sabi ni Sen. Bong, “Ayoko na sanang lumuha eh. Kasi ang dami nang luha dito sa Custodial Center. Kulang siguro isang drum kung ­susukatin mo.

“Kahit mukha kaming masaya ni Pareng Jinggoy, dumudugo ang puso ­namin sa loob. Pero kayo ang nagpapalakas sa amin, mga kaibigan ­namin na sumusuporta at patuloy na nagma­mahal sa amin.”

Nagkatawanan na ang lahat nang ­magbiro si Sen. Jinggoy na sakaling mauna siyang ­lu­­ma­bas ng ­Custodial Center, diyan pa rin daw siya matu­tulog para samahan si Sen. Bong. Kaya binalikan din siya ni Sen. Bong ng ganung biro.

Napaluha na rin si Mayor Lani Mercado nang hiningan ito ng mensahe para sa kanyang asawa.

Iyon lang naman daw ang araw-araw na wish niya dahil sobrang na-miss na raw nila si Sen. Bong sa kanilang ­tahanan. Iyon lang naman daw ang lagi niyang ipinag­darasal – na makasama niya si Sen. Bong sa kanyang mga lakad at sa pagbiyahe.