Abante Tonite Interactive

51 atleta kakatok sa Olympics

153

Hangad ng bansa na makapagpadala nang pinakamalaking bilang ng delegasyon sa kasaysayan ng Summer Olympics sa 2020 Games sa pagsalang ng 51 atleta sa mga iba’t ibang qualifying event para mag-qualify sa nalalapit na quadrennial sportsfest.

Magkasamang inihayag ito Miyerkoles ng hapon ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee tapos ng PSC-POC Tokyo Olympics meeting sa 15 national sports association kung saan tinalakay ang mga plano para sa Team Pilipinas Secretariat sa PSC Administration Bldg. ng Rizal Memorial Sports Complex.

“We are looking at the biggest delegation in the Olympics since 1967,” anina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Tokyo Olympics Team Pilipinas chef de mission Mariano Araneta (Lito Oredo)