Abante Tonite
Mabilis sa Balita

51 kaso ng drug war pinasa sa NBI

0 75

Nagpasya ang Department of Justice (DOJ) na ipasa na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 51 sa 52 kaso ng mga nasawi kaugnay sa giyera kontra droga para sa case build-up.

Sa kanyang pagharap sa Laging Handa public briefing, ipinahayag ni Justice Undersecretary Adrian Sugay na nirebisa ng DOJ ang dalawang set ng mga dokumento sa mga nasawi sa anti-illegal drug operations.

Galing sa Philippine National Police (PNP) ang mga dokumento at ang resulta ng pagrebisa ay isinumite na sa Office of the President na nag-atas na ituloy lang ang imbestigasyon.

SM food to go Banner Ad

“May mga ebidensya na kasama dito. ‘Yong iba may mga reports na ng SOCO, merong mga initial investigation reports. ‘Yong iba merong mga paraffin test resulta, ballistic test results,” ayon kay Sugay.

“So kung tingin ng NBI puwede na magtuloy ng kaso, puwede na i-file ang complaint against these erring police officers dito sa DOJ, sa ating National Prosecution Service, puwede na,” ani Sugay.

Inirekomenda sa NBI na gawing maingat ang pagrebisa sa mga kaso.

“Pero sa aming nakita, sa aming rekomendasyon… karamihan dito sa mga kasong ito ay talagang kailangan tignan mabuti at mukhang may proseso o ‘yong ating tinatawag na police protocols na hindi natupad,” pahayag pa ni Sugay.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.