Abante Tonite
Mabilis sa Balita

51 lugar sa Central luzon, election hotspot na

0 55

Walong bayan at dalawang lungsod sa Nueva Ecija ang nasa kategoryang orange o areas of immediate concern para sa idaraos na halalan sa darating na Lunes.

Kabilang sa mga lugar ang bayan ng Aliaga, Bongabon, General Natividad, Jaen, San Antonio, San Leonardo, Sto. Domingo, Talavera at ang mga lungsod ng Gapan at Science City of Muñoz.

Naging basehan umano ng kapulisan ang “history” ng mga kaguluhan sa tuwing may idaraos na halalan at ang matinding labanan sa pagitan ng mga magkakatunggaling kandidato sa nabanggit na mga lugar.

SM food to go Banner Ad

Ang mga natitirang 19 na bayan at 3 lungsod sa Nueva Ecija ay kabilang naman sa mas mababang kategorya na yellow o Election Areas of Concern.

Sa kabuuan ang Gitnang Luzon ay may 51 tinukoy na Election Hotspots ng Police Regional Office 3 (PRO3). (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.