Abante Tonite
Mabilis sa Balita

51 OFW sa UAE binigyan ng pardon

0 402

Nasa 51 overseas Filipino worker (OFW) na hinatulan sa iba’t ibang kaso sa United Arab Emirates (UAE) ang binigyan ng pardon.

Ayon kay Presidential Adviser for OFW and Muslim Concerns Secretary Abdullah Mamao, pinagkalooban ng pardon ang naturang mga OFW matapos ang isinagawang negosasyon sa iba’t ibang opisyal sa UAE.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, 30 sa mga naturang OFW na dating preso ay dumating na sa Pilipinas at nakapiling na ang kanilang pamilya habang inaayos pa ang dokumento ng 21 iba pa para sa kanilang pag-uwi.

Kabilang umano sa mga kaso ng 51 OFW ay adultery, iligal na droga at mga petty offense.

Ani Mamao, hindi pagpapalitan ng bilanggo ang nangyari matapos palayain ng gobyerno ang dalawang UAE national na hinatulan ng rape sa Baguio City. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.