Abante Tonite Interactive

518th road win ibiniyahe ni Pop

213

Dalawa pang milestone ang dinagdag ni San Antonio coach Gregg Popovich sa mahaba-habang listahan ng resume pagkatapos ng 119-107 win ng Spurs kontra Detroit Lunes nang gabi.

Una, kinubra ni Popovich ang 1,221st win, inakbayan si Jerry Sloan sa third place ng NBA career wins list.
Nasa unahan nila sina Don Nelson at Lenny Wilkens.

Pangalawa, nilista ni Popovich ang 518th road victory niya at binasag ang pagkakabuhol nila ni Nelson sa second ng career list.

Dalawang panalo na lang sa road ang naghihiwalay kina Pop at ang nangunguna sa listahan na si Pat Riley.