Abante Tonite
Mabilis sa Balita

51K COVID carrier walang namatay

0 527

Sa kauna-unahang paglakataon walang naitalang namatay ang Department of Health (DOH) sa COVID-19 kaya nanatili sa 1,314 ang bilang ng mga nasawi base sa inilabas na datos ng kagawaran nitong Huwebes.

Subalit nadagdagan ng 1,395 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Huwebes dahilan para umabot na sa 51,754 ang kabuuang kaso na naitala sa buong bansa.

Batay sa DOH, nakapagtala rin ng 1,184 ang fresh case habang 211 naman ang late case.

Sa mga fresh case, 390 ang mula sa National Capital Region, 243 sa Region 7, 484 galing sa iba pang lugar sa bansa, at 67 sa hanay ng mga nagmula sa ibang bansa.

Sa mga late case, 53 ang mula sa NCR, 47 sa Region 7, habang 108

sa iba pang lugar sa bansa, at tatlo sa hanay ng mga repatriate.

Mayroong 225 indibiduwal ang bagong nakarekober sa COVID-19 dahilan para

umabot na sa 12,813 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.