Abante Tonite
Mabilis sa Balita

52 binitag sa gambling operation

0 72

Dalawamput-tatlong drug suspects ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU) habang 29 na sugarol ang nakorner sa anti-illegal gambling operation sa ikalawang araw ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation(SACLEO) sa Bulacan noong Biyernes.

Batay sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP,natimbog ang 23 drug personalities sa magkakaibang anti-illegal drug operations na isinagawa ng SDEU ng Municipal at City Police Station sa mga bayan ng Guiginto, Meycauayan City, Paombong, San Rafael, Angat, Malolos, San Miguel at San Jose del Monte City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katuwang ng SDEU operatives ng nasabing mga bayan at lungsod ang Bulacan Provincial Intelligence Unit(PIU) at umabot sa kabuuang 59 pakete ng shabu, isang bricks at 2 pakete ng damo, drug paraphernalias at buy-bust money ang narekober ng awtoridad sa pinaigting na kampanya laban sa droga at kriminalidad sa lalawigang ito.

Samantala, 29 na bulakenyong pasaway ang nadakip naman sa anti-illegal gambling operation sa bayan ng Marilao,Meycauayan City, San Rafael,Angat at SJDM City katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company at nahuli sa akto ang mga suspek habang nagto-tong its at poker. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.