Abante Tonite
Mabilis sa Balita

52 negosyo sa Antipolo pinasara

0 231

Inutos ng pamahalaang lokal ng Antipolo City ang pagsasara ng 52 establisimiyento sa kanilang lungsod dahil sa hindi pagsunod sa health protocol kontra COVID-19.

Ayon sa Public Information Office ng Antipolo City, kabilang sa ipinasara ay mga tindahan ng bigas, bakery, vulcanizing shop, auto supply, poultry supply, pawnshop at maging ang computer shop na dinarayo ng mga kabataan.

Kahapon lamang ay isa pang computer shop sa Bagong Nayon II, Brgy. San Isidro ang ipinasara dahil nakitaan ng mga paglabag.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea Ynares, hindi pa pinapayagan ang pagbubukas ng mga computer shop sa ilalim ng general community quarantine. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.