Abante Tonite
Mabilis sa Balita

52 OFW gumaling sa coronavirus

0 204

Nasa 52 overseas Filipino worker (OFW) na ang nakarekober mula sa COVID-19 infection ngayong linggo, ayon sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado.

Sa pinakahuling monitoring ng DFA, nakapagtala ng 47 COVID survivor sa mga OFW sa Asia Pacific at lima sa Middle East/Africa region mula Mayo 30 hanggang Hunyo 5.

Dahil dito, umabot na sa 12,056 ang gumaling sa COVID.

Sa nasabi ring panahon nakapagtala ng 124 mga bagong kaso ng COVID infection at 15 ang nasawi. Sa mga namatay ay isa ang nasa Asia Pacific habang 14 ang naitala mula sa Middle East/Africa region.

“Compared to last week’s percentages, the total number of Covid-19 recoveries saw a slight decrease to 60.65 percent. Meanwhile, fatalities and those under treatment increased to 6.01 percent and 33.34 percent, respectively,” pahayag pa ng DFA. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.