Abante Tonite
Mabilis sa Balita

522 nagpositibo sa LRT, MRT, PNR

0 191

Nasa 522 kawani ng rail services sa National Capital Region (NCR) ang nagpisitibo sa COVID-19, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa advisory nitong Miyerkoles, inihayag ng DOTr na 377 mula sa 1,185 kawani ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 ang sinailalim sa COVID-19 test at 117 sa kanila ang nagpositibo.

Sa LRT Line 2 naman ay 571 mula sa 1,277 kawani ang sinailalim sa virus test at 143 ang nalaman na infected.

Habang 860 naman mula sa 3,284 kawani ng MRT-3 ang na-COVID test at 131 ang natuklasan na positibo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Philippine National Railways (PNR) ay 1,013 mula sa 1,729 kawani ang sumailalim na sa COVID test at 131 sa kanila ang nagpositibo.

Limitado ang bilang ng mga kawani ng PNR kaya sinuspinde muna ang operasyon nito. Patuloy naman ang pagbiyahe ng MRT at LRT subalit limitadong kapasidad lang ito.

Una nang inutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mandatory COVID-19 test sa lahat ng mga kawani ng LRT, MRT at PNR.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.