Abante Tonite
Mabilis sa Balita

53 na! Nasawi sa C-130 crash nadagdagan pa

0 124

Umakyat sa 53 ang bilang ng nasawi sa pagbagsak ng military plane sa Patikul, Sulu noong Linggo, Hulyo 4.

Kahapon ay kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Cirilito Sobejana ang panibagong sundalo na pumanaw.

Na-confine ito sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City matapos magtamo ng pagkasunog ng mukha. Pumanaw ang sundalo noong Lunes ng gabi, Hulyo 5.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa pinapanga­lanan ang sundalo dahil nagsasagawa pa aniya ng pagsisiyasat tungkol sa mga kaanak nito.

Bago nito ay inanunsiyo ng AFP na natagpuan na ang black box ng bumagsak na C-130 plane, na inaasahang makakapagbigay ng impormasyon sa sanhi ng trahedya.

Itinanggi rin ng AFP ang balitang nagkaroon ng overloading sa military plane kaya nangyari ang trahedya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.