Abante Tonite
Mabilis sa Balita

53 nahawa ng COVID sa brgy assembly

0 26

Isinailalim sa quarantine ang 53 mga tauhan ng Brgy. San Isidro sa Midsayap, North Cotabato nang makasa­lamuha ang tatlo nilang kasamahan na nagpositibo sa COVID-19.

Damay din sa quarantine ang kani-kanilang mga pamilya.

“Sa San Isidro, merong naging nag-positive na barangay health worker at saka kagawad po and husband. Nagkaroon sila ng barangay assembly, so exposed lahat halos ng barangay council. Pati kapitan and council, nasa quarantine, nasa isolation,” sinabi ni Dr. Amymone Rayray, Municipal Health Officer sa Midsayap.

Kuwento ni Rayray, may kagawad nang nakaranas ng mild symptoms. Inamin ni Rayray na naging close contact din sila nang makasalamuha ang tatlo sa isinagawang barangay assembly.

SM food to go Banner Ad

At dahil puno na nga ang municipal isolation facility, naka-quarantine na lang ang mga kawani sa covered court. Naka-isolate na ang tatlong nagpositibo.

Patuloy naman ang trabaho sa barangay dahil naka-work from home setup ang mga naka-quarantine.

Kasalukuyang nasa 247 ang mga aktibong kaso ng coronavirus sa Midsayap. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.