Abante Tonite
Mabilis sa Balita

53% ng Abu Sayyaf napulbos – TF Sulu

0 307

Lagpas sa kalahati ang napulbos nang mga tauhan ng Abu Sayyaf Group, ayon kay Joint Task Force Sulu commander Major General William Gonzales.

Mula 282 ay bumaba na umano sa 132 o 53% nabawasan ang manpower ng Abu Sayyaf.

Tuluyan naman aniyang napulbos o na-zero ang mga insidente ng karahasan ng bandidong grupo mula sa naitalang 22.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kanilang statistics ay batay aniya sa comparative data ng 2019 at unang bahagi ng 2021.

Iprinisenta ito ni Gonzales sa pagpupulong ng mga military official at ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao chief minister Al Haj Murad Ebrahim noong Mayo 3 sa Cotabato City.

Tinalakay sa pagpupulong ang kanilang partnership para sa kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan ng Sulu. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.