Abante Tonite
Mabilis sa Balita

54 Kamara staff nagpositibo sa virus

0 195

Dalawa pang panibagong kaso ng COVID-19 positive ang nadagdag sa Kamara dahilan upang pumalo na sa 54 ang kabuuang tinamaan ng virus, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales.

Aniya, ang dalawa ay magkapatid, ang isa ay staff ng Human Resources Management Service na huling nag-report sa trabaho noong Hulyo 29. Habang ang isa ay mula sa engineering department na pumasok sa trabaho noong Agosto 14 at 17.

Sinimulan na ang isinagawang contract tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang bagong kaso. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.