Abante Tonite
Mabilis sa Balita

55 bahay sa Bacolod, tupok

0 143

Kabuuang 55 bahay ang nasunog sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod City kamakalawa, Abril 26, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Chief Insp. Rodel Legaspi, city fire marshal, agad silang rumesponde sa sunog matapos maispatan ang makapal na usok mula sa kanilang fire station.

Nagsimula ang apoy alas-4:18 ng hapon sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Teresa Pestaño, 65.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ani Legaspi, kumalat ang apoy sa maraming bahay dahil sa malakas na hangin.

Walang naiulat na casualties bagaman ilang residente ang nagtamo ng minor injuries nang magbayanihan upang maapula ang apoy, na idineklarang fire out bandang alas-5:21 ng hapon.

Tinitingnang sanhi ng sunog ang nag-overheat na electrical installation. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.