Abante Tonite
Mabilis sa Balita

55 puganteng dayuhan nakorner

0 250

Nasa kabuuang 55 dayuhang pugante ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang taon.

Ang mga ito ay wanted sa iba’t ibang krimen sa kani-kanilang mga bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang mga pugante ay inaresto sa iba’t ibang lugar ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng bureau na nagsagawa ng surveillance at operasyon sa mga wanted na dayuhan.

Dahil aniya sa mga quarantine restrictions na itinakda, ilan lamang ang nagawa nilang operasyon laban sa paghabol sa mga pugante sa 2020 kaya ang bilang ng mga naaresto ay mas mababa kaysa sa 420 na mga kriminal na naaresto ng mga operatiba ng FSU sa 2019.

Kabilang sa naaresto ay may mga kasong pang-aabusong sekswal, scammers, swindlers, at telecommunications fraudsters. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.